Entries for November, 2004
November 23rd, 2004
POSTED AT 05:07 PM That thrills and delights me, oh no Its just the nearness of you It isnt your sweet conversation That brings this sensation, oh no Its just the nearness of you When youre in my arms and I feel you so close to me All my wildest dreams come true I need no soft lights to enchant me If youll only grant me the right To hold you ever so tight And to feel in the night the nearness of you" muy maravilloso el musica cuando nosotros bailar. [malimali ata yan, paki ko.] it was all too wonderful. the way he heald me in his arms as we danced under the moonlight. the way he looked down at me with those all too gorgeous eyes. the way he whispered he loved me. too bad 'twas all just a dream. too bad i had to wake up. oh well. shut me up.
|
|
November 24th, 2004
hayy naku. POSTED AT 02:53 PM 12:01. am. => crap, di pa tapos yung reaction ko, 1 min. late na. 12:05. am. => langya di pa pala ako nakasubscribe sa mailing list. buti nalang gising pa si sir. 12:15. am. => bahala na. send ko na toh kahit kulang ng 100 words. 12:30. am. => chat. hay buti nalang may mga taong nakakapagpawala ng inis. salamat sa inyo at pinatawa nyo ako. 1:00. am. => wala na kasing kausap kaya tulog nalang. oh well. 6:00. am. => 10 min. more! 6:10. am. => 30 min. more! 6:40. am. => ayoko pa rin. 6:55. am. => ack. malalate na ako! 7:35. am. => takbo to school. 7:40. am. => putangina. late yung teacher. oh well. 10:00. am. => daldal kasi ng daldal tinawag tuloy. buti nalang nakagawa ng impromptung walang kwentang sagot. whoo! 10:30. am. => tangina! dapat pala i print yung ginawa kagabi! oh no!! 11:30. am. => life saver. stress reliever. sarap talaga sa range! 12:30. am. => baril kasi ng baril, ayan tuloy nagutom. time na. mag kape ka nalang. iced coffee sa nescafe na stand. 2:30. pm. => yes. tapos na ang class. o ayan. yan ang mga pangyayari sa araw na toh. i guess the day was considerably okey. at least.... it could have been worse. hayy. this is such a crappy life. don't you all agree? i miss the highschool days when all i actually worried about was... [ teka, marami nga pala akong prublema nun... i take that back. :D] ho humph... Reading: dante's inferno. tangina impyerno talaga o Listening to: un pa rin, the nearness of you, khit wala siya. |
|
November 24th, 2004
sensya na, korny toh POSTED AT 03:18 PM nakatingin nanaman sa labas. naghihintay. nangangarap na kahit sandali man lang makita ko ang kanyang mukha. ngunit hindi siya dumaan. bakit kaya? papunta sa math class. hinahanap nanaman siya. halos araw-araw ko siyang nadadaanan sa hallway na yan. bat kaya wala siya ngayon? hmmn. napano kaya yun? teka.. bat ko ba siya iniisip? bat ko ba siya inaabangan? hoy! hindi ako stalker ha... alam ko namang lahat kayo ay dumaan din sa ganito. naghihintay. tumitingin. kahit hanggang tingin na man lang. pati ba yun, ipagkakait niyo pa sa akin? haha. ang korny naman nito o. pero totoo. bakit ba. hindi ko naman yun gusto. [tss. hindi daw. pero hinahanap] totoo! hindi ko talaga siya gusto. hindi ko nga siya kilala eh. hindi man lang niya alam na nabubuhay ako sa mundong ito. sa mundo niya, hindi ako nageexist. ako'y isa sa maraming nilalang na hindi man lang niya napapansin. sapagkat magkaibang mundo ang aming ginagalawan. [he's all that. i'm not. pano yun?] hmmn. anyway. pano ba magugustuhan ang isang taong hindi mo naman kilala? pano mo masasabing gusto mo siya, kung wala ka man lang alam tungkol sa kanya? at alam mo namang magmumukha ka lang tanga, dahil sabi ko nga, iba ang mundo niya. pano yun? so hindi nga. hindi ko nga siya gusto. marahil ay natutuwa lang ako sa kanya kaya ako nagkakaganito. kaya ko siya hinahanaop. kaya ko siya tinitingnan. sino ba naman ang hindi makakapansin sa kanya? oo nga't masasabing pangit siya, pero may dating siya eh. malakas dating niya. siguro kaya yun. lahat ng nakakaalam tungkol dun sa natutuwa ako sa kanya tumatawa. bakit daw. bakit daw ako matutuwa dun sa lalaking yun. ang pangit pangit. ang yabang yabang. ewan ko. basta. yun na yun. kailangan ko bang ipaliwanag yun? ha? hehe.. wala lang... [in case any of you are wondering why sobrang tagalog yung blog na to, it's caus of YEN. all her fault. kasi tinawag niya akong conyo, kaya yun.] Reading: impyerno Listening to: the nearness of you pa rin. kahit nga wala siya. Feeling: contemplative |
|
November 24th, 2004
nagsasayang ng oras POSTED AT 10:41 PM pinagiisipan ko nanaman yung lalaking kinatutuwaan ko na wala namang kwenta dahil mukhang pinitik yung labi niya (thus, pitek). [recall yung blog before this, magkaiba ang mundong aming ginagalawan] hoi yung mga putanginang may alam kung sino si pitek, shut up nalang kayo, pwede? huwag nang mag react, maawa kau...sabi ni yen [si yen talaga o, ang laki ng impluwensya! my gosh! gurl, you're contagious, sana lang hindi ako mahawa dun sa mess-ups mo with alam mo na...] nakakatuwa daw yung lalaking yun, kaya lang mukhang puro babae lang daw nasa isip nun. well.. mukha nga. haha. eh ano ngayon? hindi ko naman ibboyfriend yun eh. hanggang tingin nga lang. at hanggang obsession. right. haha. hindi nga rin naman niya ako kilala so safe, diba? ayyy nako. malungkot nga pala yung katapusan ng araw ko ngayon. ewan ko kung napaparanoid lang ako, o talaga ngang galit sakin yung isa kong kaibigan. eh ba naman kasi... hayy nako. basta kung ano man, dude, sana lang wag kang mainis ha. sori kung nagiging insensitive man ako. malay ko ba. o baka nagoover react lang ako at wala naman siyang paki-alam kung ano ang nangyayari sa aking buhay. ewan. bahala na. Reading: impyerno. Feeling: indescribable |
|
November 24th, 2004
anong klaseng pamilya naman o POSTED AT 10:53 PM kakaasar diba? madaya. nakakaasar. grrr... sabi ko uwi ako. ayaw nila. ang mahal daw kasi. kung sabagay. mahirap ang buhay ngayon. yung 6,000 na igagastos ko sa ticket ibili ko nalang ng pagkain o damit, dami na yun. pero madaya pa rin. ack. miss ko na kuya epzy ko. pati mommy ko. ayy nako. naubos tuloy load ko sa kakatawag sa kanila. tangina. i want my mommy! GUSTO KO NANG UMUWI!!! hindi na ako makapaghintay hanggang december. ba naman kasi. akala ko dito ko gusto. oo nga't andyan dream school ko, pero hindi rin eh. miss ko na buhay ko dun. mga kaibigan ko. pamilya ko. ack hayy nako.. bahala na nga... makakauwi din ako. balang araw. hay. kung hindi pa lang dahil dyan sa ateneo, hindi na ako babalik dito. hay. buhay talaga o... Feeling: depressed |
|
November 24th, 2004
last na toh! promis! POSTED AT 11:10 PM at isa pa. nung nakita ko siyang kakagaling lang mag basketball. naku. at pawis na pawis pa siya. naka muscle sleeves. may hawak na bola. tssss... [linya ni yen, nako si yen nanaman, HOTTTT] ay nako. pero remember. hanggang tingin lang. c",) ano kaya kotse niya..? alam ko meron.. hehehe nako pano to. stalker na talaga ako! bwahahaha.... Feeling: ditzy |
|
November 25th, 2004
akala ko matalino ako POSTED AT 03:40 PM Dati kasi, parang ang dali-dali mag-isip. Ang dali makakuha ng respectableng marka. kahit nga hindi pumasok, papasa pa rin. Kaya siguro lumaki ang aking ulo, at inisip kong kayang-kaya kahit walang effort. nakapasa nga ako ng apat na taon sa high school na parating late at umaabsent lang ng umaabsent ng walang paki-alam. tss. umasa ako. kung iisipin ng lubos, ano nga ba yung inasahan ko? na akala kong may utak ako? na bulok yung sistema ng dati kong eskwelahan? haha. bulok nga naman kasi. kayang kaya pasahin. konting talino lang. konting effort. [ ang yabang naman nito pakinggan. pero reflection lang to... read on...] paano nga ba nangyari yun? nung nasa fourth year ako kayang kaya kong intindihin at i- absorb ang mga pinagsasasabi ni Mr. Tieng. pano ba nangyari yun? pano bang nakakakuha pa ako ng pinakamataas na score minsan sa math exam nun. at sa english, naku... sinasagot ko pa at binabara ang teacher namin. pero bakit ngayon... halos pasang awa ang nakuha kong marka sa math11 last sem. tapos sa english hindi ako makapag salita. ano bang nangyayari sa akin? at kanina sa fil12, wala akong makuhang sense sa pinagssabi ng teacher ko. ang tanga. umasa kasi. ang babaw mag-isip. yabang. napakalaking sampal sa aking mukha. kung bakit ba kasi... ayy nako. pero diba ginusto ko naman to? diba pinagsabihan nga ako ng mommy ko na kapag mag ateneo ako hindi na pwedeng gawin ang mga kalokohang ginawa sa high school? di ba nga't pinili ko ito? akala ko kasi kaya sa pa easy easy lang. hindi pala. alam kong kaya ko to. naiisip ko naman eh. marami akong gustong sabihin pero hindi ko mailabas. pag tinawag ako ng teacher ko, wala akong masabi. ewan. sana lang... ack. papasa ako. kaya ko to. sana. konting tyaga. ewan. bahala na. sige uwi na ako. aral pa ako eh. hehe Reading: impyerno Feeling: bobo |
|
November 26th, 2004
leche. maling desisyon. POSTED AT 03:39 PM nagkamali ako sa desisyon ko kanina. kagabi kasi, ginawa ko yung lecheng paper para dun kay acuna. ang hirap magsulat para sa kanya. alam mo kasing malaking posibilidad na balahurain niya at pintasin ng todo todo ang gawa mo. and haba din ng panahong ginugol ko sa kanya kagabi. umabot sa puntong hindi ako nakapag-aral para sa long test sa math. isipin mo, mula 5:30 ng hapon hanggang 12 midnight yung sinusulat ko para sa kanya ang iniisip ko. kaya't kanina, medyo natakot na ako para dun sa math exam. pinili kong i cut ang lit. malas. maling timing. bat ba kasi ako ng cut sa araw na marami ang pumiling hindi pumasok. ang dami tuloy naming wala. napansin ng gagong teacher. nagalit. ngayon kailangan nanamang harapin ang mga consequences. fuck. nakakaasar. maling desisyon. lalo pa't hindi naging ganoon kahirap ang exam sa math. buti nalang pumasok ako ng fil. may naintindihan pa ako ngayon kahit papaano. kahit gaano ka kaunti. may naintindihan ako. sa fil. iyan ay isang napakalaking milagro. at nag quiz siya. 10 points. so paano ba toh. paano ko iisipin ang pangyayaring ito? kinailangan kong mag-aral. dalawa ang klaseng pinagpipilian kong i cut. ang lit pinaggugulan ko na ng mahigit kumulang 5 oras kagabi. at sa pinoy, wala akong alam. sa lit din naman wala akong alam. hayy... hindi ko alam kung saan ako dun nagkamali, at kung ano ung dapat kong ginawa. nasimulan ko na rin naman yung basahin mula pa kahapon. hindi naman todo-todo ang pagsasayang ko ng oras. baka nagkamali lang ako sa pag schedule. kaya nagkaabutan lahat ng kailangang aralin. putangina naman to o. so pano yan. ipaparecite daw kami sa wednesday. ibig sabihin nun may 4 na araw ako para maghanda. ibigay ko sa kanya kalahati ng sunday at buong monday ko. hindi na muna ako lalabas this weekend. pero kailangan ko pa rin isipin ang iba kong subjects. hindi lang naman siya ang kailangan kong maintindihan. drop ko nalang kaya yung subject na to? hindi. huwag muna. kaya pa. pagtiisan. pagtiyagaan. pero hwag naman sa puntong mapapabayaan na ang ibang subjects. at kapag sobrang kailangan na talaga.... mawawalan na ako ng choice. ulitin ko nalang. bahala na. pero hindi ako matatakot para lang sa isang recitation. tsss. ipahiya niya ako, wala akong pakialam. pero dapat may matutunan ako bago mag-wednesday. hindi para sa kaniya. pakialam ko ba kung magustuhan niya yung pagkakaintindi ko, yun reaction ko. akin naman yun eh. paki ba nya. putangina. Reading: impyerno Feeling: like killing acuña |
|
November 26th, 2004
hmmn. POSTED AT 09:43 PM sabi ni yen medyo metrosexual daw yung lalaking yun. badtrip naman. kaasar. hindi ko pa nga nakikilala yung lalaking yun natturn-off na ako. hayy.. buhay talaga o... jump tayo ng topic pde??! balik tayo dun sa kaibigan kong feeling ko galit sa akin. ang insensitive ko kasi. ayan tuloy. aray. sakit. ewan. bahala na. sana hindi na siya magtampo... isa pa naman siya sa mga mahahalagang tao sa mundo ko. kailangan ko siya. lalo na ngayon. at hindi naman ibig sabihin nito user-friendly ako... hindi ganun. it's not like that. pero kasi naging bahagi na siya ng support system ko. inaasahan ko siya para makinig at magpakalma sa utak ko. pero mukhang napapagod na rin siya sa kakakinig sa akin. pero kung lubos na iisipin, tinangka ko rin namang makatulong sa kanya. parating tinatanong, [okay ka lang ba... ano problema mo... may problema ka ba... kwento mo lang sa akin ] pero wala daw. wala daw siyang problema. so yun. alam ko namang may problema ang taong yun pero ayaw sabihin. ako tuloy ang napapakwento tungkol sa aking miserableng buhay. at nagmumukha tuloy siyang toilet bowl - taga tanggap ng shit. Reading: impyerno Listening to: hindi kita mapipilit kung ayaw mo huwag mo ... Feeling: ewan |
|
pinagiisipan ko nanaman yung lalaking kinatutuwaan ko na wala namang kwenta dahil mukhang pinitik yung labi niya (thus, pitek). [recall yung blog before this, magkaiba ang mundong aming ginagalawan] hoi yung mga putanginang may alam kung sino si pitek, shut up nalang kayo, pwede? huwag nang mag react, maawa kau...